Gusot sa hatian sa Committee Chairmanship sa Senado, naayos na
Naplantsa na ng liderato ng Senado ang gusot sa hatian sa Committee chairmanship sa Senado.
Kasunod ito ng nangyaring meeting kagabi sa bahay ni Senador Manny Pacquaio na dinaluhan ng mayorya sa mga Senador.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto, cordial ang naging pulong at positibo ang naging resulta.
Nakausap nya rin sina incoming Senators Imee Marcos at Francis Tolentino at nasabi na sa kanya ang mga nais na pamunuang komite.
Nilinaw na rin aniya ng dalawa na walang silang balak na iluklok si Senador Cynthia Villar bilang Senate President sakaling hindi makuha ang Committee chsirmanship
Sinabi ni Sotto na 95 percent na ng Committee chairmanship ang naayos.
Si incoming Senator Ronald Bato Dela Rosa ang mamumuno sa Committee on Public Order, sa Health at Urban Planning si Senador-elect Bong Go habang sa Local government si Tolentino.
Sabi ni Sotto hindi nakadalo sa meeting sina Senador Panfilo Lacson at Koko Pimentel dahil may family events, nasa abroad naman si Pia Cayetano habang wala namang pasabi bakit hindi dumalo si Senador Villar.
Ulat ni Meanne Corvera