College Education voucher system hiniling na palawigin hanggang sa private schools
Hinikayat ni 1-Ang Edukasyon party-list Cong. Salvador Belaro sa gobyerno na ikunsidera ang pagpapalawig sa Education voucher system sa kolehiyo.
Sa kasalukuyan, libre ang tuition fees pero sa State Universities and Colleges lamang.
Kaya naman giit ni Belaro, dapat magkaroon na rin ng voucher system sa mga pribadong paaralan para sa mga estudyanteng galing sa low-income at lower-middle class families.
Batay aniya sa datos ng Commission on Higher Education, 1.4 milyon ang enrollees sa SUC’s habang mas malaki sa private institutions na mayroong 1.6 milyon.
Paliwanag ni Belaro, mas maraming estudyante ang napipilitang mag-e-enroll sa Private schools dahil overcrowded na ang SUCs habang ang ilang lugar ay walang pampublikong eskwelahan.
Maaari umanong makatulong ang pamahalaan sa mga estudyante sa pamamagitan ng vouchers na iuugnay sa student numbers.
Ulat ni Madz Moratillo