Grupong Tanggol Wika naghain ng liham-protesta sa Supreme Court dahil sa pagpapatibay sa CHED memorandum na nagaalis sa Filipino at panitikan sa core courses sa kolehiyo
Naghain ng liham protesta sa Korte Suprema ang Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino laban sa desisyon nito na pagtibayin ang desisyon ng CHED na alisin ang Filipino at panitikan bilang core courses sa kolehiyo.
Ayon kay David Michael San juan, convenor ng Tanggol Wika, hiniling nila sa Supreme Court na baligtarin ang desisyon nito na nagbasura sa kanilang apela.
Nais din nila na magpatawag ng oral arguments ang Korte Suprema.
Umaasa ang Tanggol Wika na pakikinggan ng SC ang kanilang argumento at muling buksan ang kaso.
Dismayado ang grupo na magdiriwang ng Araw ng Kalayaan ang bansa pero hindi naman pinapahalagahan talaga ng pamahalaan ang Filipino at panitikan kaya parang hindi rin anila malaya ang Pilipinas.
Ulat ni Moira Encina