Oathtaking ng mga bagong abogado, gaganapin ngayong araw sa PICC
Nakatakdang manumpa ngayong araw ang mga bagong abogado na nakapasa sa nakaraang 2018 Bar examinations.
Idaraos ang oathtaking sa PICC sa ganap na alas-2:00 ng hapon.
Kabuuang 1,800 bar examinees ang nakapasa sa pagsusulit na katumbas ng 22.07% passing rate.
Nanguna sa bar exams si Sean James Borja ng Ateneo De Manila University na nakakuha ng 89.3060% na grado.
Samantala, magsisimula ang paglagda ng mga bagong abogado sa Roll of Attorneys sa June 14.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: