Pangulong Duterte ikinagalit ang nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa mga mangingisdang Pinoy sa Recto bank
Nakarating na sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.
Sa press briefing sa Malakanang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na outrage o galit ang pangulo nang malaman nito ang naturang insidente.
Naghain na rin ang Department of Foreign Affairs o DFA ng panibagong diplomatic protest para iprotesta ang nangyari sa mga mangingisdang Pinoy.
Ayon kay Panelo, ano pa man ang itawag sa nangyari sinadya man ito o aksidente o isang kaso ng bullying ang malinaw ay isa itong barbaric na aksyon at hindi sibilidado sa panig ng Chinese crew.
Binigyang-diin pa ni Panelo ang mariing pag-kondena ng Malakanyang sa insidente.
Ipinauubaya naman ng Malacañang sa DFA kung pauuwiin na ng bansa ang ambassador at consul ng Pilipinas sa China kasunod nang nangyari sa Recto bank.
Ulat ni Vic Somintac