Isyu ng korapsyon sa Philippine Information Agency, naiparating na sa tanggapan ng Presidential Anti -Corruption Commission
Kinumpirma ng Presidential Anti -Corruption Commission o PACC na may naihain ng sumbong sa kanilang tanggapan na may kinalaman sa isyu ng umanoy korupsiyon sa Philippine Information Agency o PIA.
Ito ang sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica matapos mabanggit ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ambush interview sa Malakanyang na naiparating na din ang reklamo sa Anti-graft commission.
Ganunpaman, tumanggi nang magbigay pa ng dagdag na detalye si Belgica tungkol sa pagkakahain ng sumbong na nakasentro kay PIA Director Harold Clavite.
Ayon kay Panelo naghihintay lang ang PACC ng report gayung may una ng imbestigasyong ikinasa ang Presidential Communications Operations Office o PCOO tungkol sa sinasabing iregularidad sa PIA.
Ang PIA ay nasa ilalim ng umbrella organization ng PCOO.
Ulat ni Vic Somintac