DOH, mariing kinokundena ang mga mga tiwaling Healthcare centers
Mariing kinukundena ng Department of Health (DOH) ang iba’t-ibang mga scam na nilikha ng mga huwad na Healthcare providers.
Sa panayam ng Rayo Agila sinabi ni Health secretary Francsico Duque III, patuloy ang imbestigasyon sa Wellmed Dialysis center at paghabol sa iba pang mga fraudulent Healthcare centers.
Tiniyak din ni Duque na palulutangin din sa imbestigasyon ang mga sangkot at tiwaling mga tauhan ng Philhealth.
Aminado si Duque na sa dinami-dami ng mga pino-prosesong claims ng Philhealth at mayroon talagang nakalulusot.
Noong 2018 pa lamang ay aabot na sa mahigit pitong libong mga fraudulent claims ang nai-file sa Philhealth.
Gayunman, hinahabol ito ng kagawaran ng kalusugan upang masampahan ng kaso.
Aniya, bukod sa revocation ng lisensya ng mga manlolokong health centers ay pagmumultahin pa sila ng aabot sa 200,000 libong piso.
“Tuluy-tuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Philhealth para maparusahan ang mga tiwali at umaabuso at nananamantala sa Philhealth. Matapos mapatunayan na sangkot sa mga scam ay bibigyan sila ng karampatang aksyon”.