Yellow alert iiral sa Luzon grid dahil sa manipis na reserba sa kuryente
Muling iiral ang yellow alert ngayong araw sa Luzon grid.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ito ay dahil pa rin sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.
Ang pag-iral ng yellow alert ay mula ala 1:00 hanggang alas 4:00 ng hapon ngayong araw, June 17.
Hindi naman inaasahang magkakaroon ng rotational brownout.
Pero payo ng NGCP sa publiko, magtipid sa paggamit ng kuryente lalo na sa kasagsagan ng pag-iral ng yellow alert.
Please follow and like us: