Aegis Juris Fraternity member John Paul Solano, hinatulang guilty sa kasong obstruction of justice kaugnay sa Atio Castillo hazing case
Hinatulang guilty ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 14 sa kasong obstruction of justice si Aegis Juris Fraternity member John Paul Solano kaugnay sa Atio Castillo hazing case.
Si Solano ay sinentensyahan ng hukuman ng parusang pagkakakulong na apat na taon, dalawang buwan at isang araw.
Ito ang kauna-unahang conviction ng korte sa kaso ng pagkamatay ni Castillo na freshman law student ng UST.
Inabswelto naman ng korte si Solano sa kasong perjury.
Si Solano ang nagdala kay Castillo sa ospital noong September 17, 2017.
Sa mga nauna nitong pahayag, sinabi ni Solano na nakita niya ang katawan ni Castillo sa bangketa sa Tondo.
Itinanggi naman ito ng mga lokal na opisyal sa Tondo at kalaunan ay binawi ni Solano.
Inamin ni Solano na inutusan lang siya ng pinuno ng Aegis Juris na si Arvin Balag na magsinungaling.
Ulat ni Moira Encina