Pangulong Duterte hihintayin muna ang resulta ng inbestigasyon ng Recto bank incident bago gumawa ng kaukulang hakbang – Malakanyang
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na matapos muna ang isinasagawang inbestigasyon kaugnay ng insidente ng umano’y pagsagasa ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga pinoy sa Recto bank.
Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na dapat tigilan munang mga kritiko ng administrasyon ang pagpapalabas ng mga statement ukol sa isyu ng Recto bank.
Ayon kay Panelo anumang pahayag tungkol sa Recto bank incident nang wala pang resulta ng inbestigasyon sa panig ng Philippine goverment at Chinese government ay pawang espekulasyon lamang na maaaring makaapekto sa relasyon ng dalawang bansa.
Inihayag ni Panelo nangako naman ang Chinese government na magsasagawa ng inbestigasyo sa insidente kaya mabuting hintayin muna ang resulta ng official investigation ng Pilipinas at China.
Tiniyak ni Panelo na patuloy na poprotektahan ng malakanyang ang kapakanan ng mga mangingisdang Pinoy na pumapalaot sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ulat ni Vic Somintac