Pangulong Duterte bigong masugpo ang korapsyon dahil siya mismo ay dawit sa katiwalian- Senador Trillanes
Dismayado na si Senador Antonio Trillanes sa paglutang ng mga kaso ng korapsyon sa mga ahensya ng pamahalaan kabilang na ang anomalya sa Philhealth.
Ayon kay Trillanes, nangyayari ang katiwalian dahil wala umanong programa si Pangulong Duterte para resolbahin ang isyu dahil ito mismo ay dawit umano sa korapsyon.
Katunayan, sinabi ni Trillanes na hindi maipaliwanag ng pangulo ang report ng Commission on Audit sa 700 million plunder case sa Davao city nang kumuha ito ng mahigit 11,000 na mga ghost employees.
Hanggang ngayon, tumatanggi rin aniya ang Pangulo na pumirma sa waiver para ipaliwanag ang billion peso accounts na ibinunyag niya noon pang 2016.
Wala rin aniyang ginagawang aksyon o imbestigasyon ang Pangulo sa pagkakadawit ng Davao group sa kaso ng korapsyon at smuggling.
Katunayan ay na-promote pa ang mga opisyal sa halip na sibakin sa puwesto.
Ulat ni Meanne Corvera