Cong. Lord Allan Velasco, inanunsyo na ng PDP-Laban bilang susunod na House Speaker
Inanunsyo na ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP- Laban si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco bilang susunod na House speaker ng 18th Congress.
Si Senador Manny Pacquiao ang nag-anunsyo ng pagtatalaga kay Velasco sa direktiba ni PDP- Laban President Aquilino “Koko” Pimentel.
Napili aniya si Velasco batay sa manifesto of support na nilagdaan ng mayorya ng mga miyembro ng PDP-Laban sa Kamara.
Ang PDP- Laban ang may pinakamaraming miyembro sa lower house na umaabot sa 84.
Nilinaw naman ni Pacquiao na walang mangyayaring term sharing at magsisilbi si Velasco ng full-term o tatlong taon bilang speaker.
Ulat ni Meanne Corvera