Mga kritiko ng administrasyon, hinamon ng Malakayang na sampahan ng Impeachment case si Pangulong Duterte kung labag sa Konstitusyon ang pagtugon nito sa isyu ng EEZ ng bansa
Hinamon ng Malakanyang ang mga kritiko ng administrasyon na magsampa ng impeachment case kung sa palagay nila ay nilabag ni Pangulong Duterte ang Saligang Batas sa isyu ng Exclusive Economic Zone o EEZ ng bansa na sinasabing nilalabag ng China.
Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maliwanag naman ang probisyon ng konstitisyon hinggil sa impeachment proceedings.
Ayon kay Panelo hindi mapipigilan ng sinuman si Pangulong Duterte na protekta at pagsilbihan ang sambayanang Pilipino.
Inihayag ni Panelo na walang nilalabag si Pangulong Duterte kaugnay ng kanyang ginagawang pagharap sa isyu ng umanoy paglabag ng China sa dahil sa patuloy na presensiya ng mga Chinese vessel sa EEZ ng bansa.
Tiniyak ni Panelo na sinuman ang lalabag sa EEZ ng bansa ay handa ang pamahalaan na kasuhan at usigin sa ilalim ng batas.
Ang mga pahayag ng Pangulo kaugnay ng isyu sa EEZ ng bansa na sinasabing pabor sa China ay ginagawang malaking isyu ng mga kritiko ng administrasyon.
Ulat ni Vic Somintac