Puganteng Tsino at Koreano na wanted sa mga kasong fraud arestado ng BI sa Maynila
Dalawang undocumented alien na wanted sa kasong fraud China at Korea ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa magkahiwalay na operasyon sa Malate at Binondo sa Maynila.
Kinilala ni BI Fugitive Search Unit Chief Bobby Raquepo ang mga pugante na sina Kim Dae Yeop, 57 anyos at Jiang Rongqun, 32 anyos.
Ang Koreano na si Kim ay pinaghahanap ng mga otoridad sa kanyang bansa dahil sa lobbying expense payment for closed circuit television na nagkakahalaga ng 250 million Korean won habang ang Chinese na si Jiang ay wanted sa fraud at economic crimes.
Nakatuwang ng BI sa pag-aresto sa mga dayuhan ang Korean National Police Agency at Chinese Interpol.
Dismayado naman ang pamunuan ng BI dahil sa ginagamit na hideout ng mga pugante ang Pilipinas.
Ulat ni Moira Encina