Israel, nangangailangan pa ng mas maraming dayuhang Caregivers
Malaki pa rin ang pangangailangan ng Israel sa mga caregivers.
Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni ACTS-OFW Partylist Representative John Bertis na aabot sa 20,000 to 30,000 caregivers ang kanilang kailangan.
Mataas din aniya ang suweldong ibinibigay sa isang caregiver na umaabot sa 1,400 US dollars kada buwan o katumbas ng mahigit 71,000 pesos.
Bukod sa mga caregivers, magbubukas na rin ang Israel para sa mga foreign workers sa mga hotels at restaurants at pinag-aaralan na rin ng bansa ng mga on-the-job training o exchange students para sa Hotel and Restaurant management at Agriculture.
Tiniyak ni Bertis na ligtas na bansa ang Israel para sa mga manggagawang Pinoy at walang napapaulat na mga Pinoy na minaltrato doon.
Hindi rin lingid ang matagal nang pagkakaibigan ng Pilipinas at Israel sa matagal nang panahon.
Bagamat walang babayarang placement fee dahil government-to-government ang kontrata, on-going pa ang negotiation ng Pilipinas sa Labor Ministry ng Israel na malibre na sana sa pamasahe sa eroplano ang mga Pinoy workers gaya ng nakasaad sa Migrant workers Act na dapat sagot ng employer ang air fare.
Gaya ng Japan, ang Israel ay isang old aging population, mababa ang kanilang birth cycle kaya nangangailangan sila ng maraming caregivers.
“Wala tayo kahit isang kaso ng maltreatment sa Israel di gaya sa Kuwait na pinaplantsa pa ang mukha at pinapatay pa. Sana ay magtuluy-tuloy ito sa sandaling mabuksan na ang mga bagong job order after ng kanilang election this coming July po”.