Mga dayuhang aplikante para sa working visa, pinaalalahanan ng BI na kumuha ng Tax Identification number
Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration ang mga banyagang nagbabalak na magtrabaho sa bansa na kumuha muna ng Tax Identification Number o TIN sa BIR bago mag-apply ng work visa.
Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na magpapatupad ang BI ng adjustment sa kanilang mga polisiya para matiyak na makolekta ng BIR ang buwis mula sa mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa.
Ayon sa opisyal, lahat ng mga dayuhang aplikante sa pagkuha ng working visa ay kailangang kumuha ng TIN.
Ang BI ay bahagi ng Inter-Agency Task Force on the Employment of Foreign Nationals.
Una rito inobliga ng BI ang mga nag-a-apply ng work visa na magsumite ng kopya ng kanilang TIN card.
Ulat ni Moira Encina