Mayor Isko Moreno, pumalag matapos hindi agad papasukin ang mga pulis sa niloobang branch ng Metrobank
Pumalag si Mayor Isko Moreno matapos hindi papasukin ng mga opisyal ng Metrobank Sto. Cristo CM Recto branch ang mga pulis na rumesponde matapos itong looban kaninang umaga.
Ayon kay Moreno kaya siya napasugod sa Binondo ay dahil sa sumbong ng mga pulis na ayaw silang papasukin sa loob ng bangko dahil umano sa BSP rule.
Kaya apila ni Moreno sa BSP, tingnan kung tama ba o mali ang ginawang ito ng pamunuan ng bangko.
Giit ni Moreno gusto lang gawin ng mga pulis ang kanilang trabaho, dahil may nangyaring krimen.
Matapos makipag-usap ni Moreno sa pamunuan ng bangko ay saka lang nakapasok ang mga pulis at nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon.
Si MPD chief Vicente Danao naman ay aminadong nagtataka kung paanong pinapasok ang mga suspek na nakasuot ng uniporme ng security guard gayong hindi pa pormal na nagbubukas ang bangko.
Batay sa CCTV, pasado alas-ocho ng umaga ng nakapasok umano sa bangko ang dalawang suspek.
May person of interest nang tinitingnan ang pulisya mula sa bangko pero ayaw pang sabihin ni Danao dahil tinitingnan nila ang posibilidad ng inside job.
Ulat ni Madz Moratillo