Mga militanteng grupo na iniuugnay sa CPP-NPA, hiniling sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang pagbasura ng Court of Appeals sa kanilang Writ of Amparo at Habeas data
Hindi pinagbigyan ng Court of Appeals ang hirit na writ of amparo at habeas data ng National Union of People’s Lawyer.
Sa desisyon ng CA Former Special 15th Division, sinabi na hindi nakapagprisinta ang NUPL ng mga ebidensya na magpapatunay sa pagbabanta sa kanilang buhay, kalayaan at seguridad.
Ayon pa sa CA, nabigo ang petitioners na ipakita kung paano nalabag ang kanilang right to privacy ng mga respondents gayong public knowledge at madaling ma-access ng sibilyan ang pangalan at larawan ng mga miyembro at ang lokasyon ng mga tanggapan ng grupo.
Wala rin anilang ebidensya ang NUPL na ang mga respondents ay nagtatabi ng mga record ng mga imbestigasyon at iba pang ulat ukol sa grupo o kaugnayan nito sa CPP- NPA.
Paliwanag pa ng CA, hindi napatunayan ng NUPL ang accountability ni Pangulong Duterte kaya dapat itong maalis bilang respondent sa kaso.
Ulat ni Moira Encina