Senador Francis Tolentino nalecturan sa isyu ng West Philippine sea
Mistulang nilecturan ni Senate minority leader Franklin Drilon si Senator Francis Tolentino sa plenaryo kanina.
Dinebate ni Drilon si Tolentino mtapos ang kaniyang privilege speech sa isyu ng West Philippine sea.
Sa kaniyang privilege speech ipinagtanggol ni Tolentino ang Pangulo sa mga batikos sa isyu ng West Philippine sea.
Iginiit nito na valid at may poder umano si Pangulong Duterte na pumasok sa mga kasunduan at verbal agreement na basehan ng pagpapahintulot sa pangingisda ng China sa teritoryong sakop ng Pilipins.
Katunayan, sinabi ni Tolentino na hindi na umano kailangan ang Senate concurrence ng umano’y verbal fishing deal ni Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping.
Paliwanag ni Tolentino , implementasyon lang aniya ito ng probisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at iba pang tratado.
Kuwestyon ni Drilon, ano ang batayan ni Tolentino at nasaan ang parameter sa sinasabing kasunduan nina Pangulong Duterte at President Xi para sabihing valid ito sa ilalim ng International law.
Pero sabi ni Tolentino ibinatay niya lang ang existence ng verbal agreement sa anecdotal reports.
Katwiran pa ni Tolentino, mismong si Senior Associate Justice Antonio Carpio ang nagsabing dapat na kumilos ang Senado sa naturang fishing agreement dahil kinumpirma ito ng Pangulo sa kaniyang SONA,
Hamon nito kay Tolentino maglabas ng kopya o kaya’y manghingi sa Office of the President .
Sa ngayon wala aniyang nakakaalam kung binding ang kasunduan dahil nababasa lang daw nila ito sa media reports na sinang-ayunan rin ni Tolentino.
Suhestyon pa ni Tolentino manawagan sa Department of Foreign Affairs para isulat ang parameters ng kasunduan o maaring ipa-subpoena sa Senate Foreign Affairs committee si Secretary Teddy Locsin Jr. para tumestigo under-oath hinggil sa pinasok na kasunduan.
Ulat ni Meanne Corvera