Paggamit ng 10 Bilyong pisong pondo sa ilalim ng Rice Tarrification Law paiimbestigahan sa Senado
Pinaiimbestigahan na ni Senador Cynthia Villar sa Senado ang paggamit ng pondo sa ilalim ng Rice Tarrification Law.
Naghain ng resolusyon si Villar matapos makatanggap ng mga reklamo sa mga magsasaka.
Nakasaad aniya sa batas na nilagdaan noong Pebrero na maglalaan ng 10 billion na pondo kada taon sa rice competitiveness enhancement fund para tulungan ang mga magsasaka na maapektuhan ng rice importation.
Naglabas na aniya ng 5 billion ang Department of Budget and Management (DBM) noong Disyembre pero lumilitaw na one billion lang ang na-credit sa farmers account batay sa Memorandum of Understanding ng Agricultural Credit Policy council sa Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP).
Katwiran aniya ng Department of Agriculture (DA), ipapamahagi ang pondo sa mga ahensyang may kinalaman sa Rice Tarrification Law na ayon kay Villar ay labag sa itinatakda ng batas.
Iginiit ng Senador na dapat magamit ang pondo kung ano ang nakasaad sa batas para mapataas ang rice production sa Pilipinas at makasabay sa mga bansa kung saan umaangkat ng bigas gaya ng Vietnam.
Ulat ni Meanne Corvera