Ibat’-ibang pag-aaral tungkol sa pagkain ng noodles, upang hindi mapinsala ang kalusugan
May ilang pag aaral ang lumabas tungkol sa epekto ng kalusugan nang pagkain ng noodles.
Ayon sa Harvard School of Public Health sa Boston, ang pagkain ng instant noodles ng at least dalawang beses sa isang linggo ay nakakapagpataas ng risk ng metabolic changes na nagdudulot ng sakit sa puso at stroke.
Sa pag-aaral naman ng isang gastrointestinal specialist sa Massachusetts General hospital, nahihirapan umano ang katawan na i-digest o gilingin ang mga instant noodles.
Matagal umano bago ma-digest ng bituka ang instant noodles.
Samantala, sa panig naman ni Dr. Imelda Agdeppa, isang nutritionist, sinabi niya na kung ihahain ang noodles sa mga bata, tiyaking tama ang inilagay na tubig.
Mainam din na lagyan ng gulay tulad ng petsay at malunggay.
Lagyan din ng itlog bago ito hanguin, upang maging masustansya ang noodles na ihahain.
Payo pa ni Agdeppa, limitahan ang pagkain ng instant noodles, maanghang man iyan o hindi.
Ulat ni Belle Surara