Roxas Boulevard pinapagamit na ni Mayor Isko Moreno sa mga truck
Maaari nang dumaan sa Roxas boulevard ang truck mula sa Pier sa Maynila at patungo ng Cavite.
Ito ay matapos ang ginawang pakikipagdayalogo ni Manila Mayor Isko Moreno sa grupo ng mga trucker.
Ayon kay Mayor Isko, dati ang mga truck ang mga truck mula sa pier na ang biyahe ay southbound o patungong Cavite at Laguna ay dumadaan lahat sa San Marcelino street.
Pero ngayon, ang mga truck patungong Cavite ay puwede ng dumaan sa Roxas boulevard, habang ang patungong laguna naman ay mananatiling sa San Marcelino pa rin ang daan.
Kasabay nito, inanunsyo ni Mayor Isko na inaprubahan na nila ang pagtatayo ng tulay mula sa International Container Terminal Services Inc. o ICTSI hanggang Pier North na sakaling maisakatuparan ay makakabawas ng 30 minutong biyahe palabas ng Pier.
Mahigpit naman ang apila at pakiusap ni Mayor Isko sa mga truck operator na kausapin ang kanilang mga driver na huwag magpasaway.
Tiniyak naman ng asosasyon ng mga trucker na handa silang sumunod sa pakissap ni Mayor Isko pero aminado na minsan ay may pagkakataong mahirap sumunod lalo na’t may hinahabol na oras ang kanilang mga driver.
Ulat ni Madz Moratillo