Gobyerno ng Pilipinas, naghahanda ng panibagong Diplomatic Protest laban sa China
Pinaplantsa na ngayon ng gobyerno ng Pilipinas ang paghahain ng panibagong diplomatic protest sa China.
Ito ang inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon kasunod ng naging presensya ng napakaraming chinese vessel sa bahagi ng Pag-asa Island simula noong Pebrero.
Ayon kay Esperon, batay sa kanilang monitoring noong Pebrero 8 ay may 61 Chinese vessel ang namataan sa Pag-asa hanggang Hulyo 24 na umabot pa sa 113.
Dahil rito, inirekumenda ni Esperon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahain ng note verbal o diplomatic action sa Chinese embassy.
Una ng sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi ipinaalam sa gobyerno ng Pilipinas ang pagdaan ng mga chinese vessel na ito sa Sibutu strait.
Pero kahapon ayon kay Esperon ay bigla umanong nawala ang mga barko ng China.
Samantala, nilinaw naman ni Esperon na walang nawalang isla sa Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine sea.
Ppinagmalaki pa ng kalihim na mas pinalakas pa ng bansa ang ang posisyon nito sa West Philippine sea.
Ulat ni Madz Moratillo