Senior Associate Justice Antonio Carpio pabor sa paghahain ng pamahalaan ng diplomatic protest laban China kaugnay sa presensya ng mahigit 100 Chinese ships sa Pagasa Island
Sang-ayon si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa paghahain ng Pilipinas ng Diplomatic protest laban sa China dahil sa presensya ng mahigit 100 barko nito sa Pag-asa island.
Ayon kay Carpio, dapat iprotesta ng pamahalaan ang pagdagsa
ng mga Chinese fishing vessel sa Pag-asa island dahil parte ito ng territorial sea ng Pilipinas.
Maaari naman anyang dumaan ang mga chinese boats sa karagatang sakop ng Pilipinas sa ilalim ng Right of Innocent passage sa UNCLOS.
Pero iginiit ni Carpio na hindi pwedeng mag-loiter o manatili ang mga Chinese ships sa lugar dahil ito ay territorial sea ng Pilipinas.
Dapat aniya ay tuluy-tuloy lamang ang pagtawid ng mga sasakyang pandagat ng China.
Naniniwala si Carpio na sinusuway ng mga Chinese vessel ang karapatan ng Pilipinas sa Pag-asa island kaya marapat lang na magsampa ng protesta ang Pilipinas.
Una nang inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na umalis na bunsod ng masamang panahon ang nasa 100 Chinese ships.
Namataang nakatigil sa paligid ng Pag-asa island noong July 24 hanggang july 25 ang napakaraming chinese vessel.
Hindi naman tiyak ng gobyerno kung ano ang dahilan ng pagkumpul-kumpol ng mga barko ng Tsina sa Pag-asa island.
Ulat ni Moira Encina