DOH pagpapaliwanagin ng Senate Finance Committee sa oversuplay ng gamot
Pinagpapaliwanag na ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance ang Department of Health (DOH) sa sobra-sobrang suplay ng mga gamot.
Naghain na ng resolusyon si Angara para imbestigahan ang ang 18.4 billion pesos na overstock ng mga gamot sa warehouse ng DOH.
Kinukwestyon ni Angara bakit nasa imbakan ang mga gamot gayong dapat ay naipamahagi na ito sa mga mahihirap na pasyente.
Nakakalungkot aniya na maraming walang pambili ng gamot ang pumipila sa mga government hospitals samantalang nakaimbak lang ang supply ng DOH at ang iba’y nag-expire na at nasayang.
Katunayan, batay aniya sa report ng Commission on Audit, umaabot sa mahigit 20 bilyong pisong halaga ng gamot ang nasayang.
Ulat ni Meanne Corvera