Korte Suprema isinusulong ang reporma sa Bar Examinations
Pinag-aaralan ng Korte Suprema na i-reporma ang isinasagawang Bar examinations.
Naniniwala ang ilang mahistrado na hindi kailangang gawing napakahirap ng bar exams.
Sa legal education summit sa Maynila na pinangunahan ng Supreme Court, inihayag ni 2019 Bar exams chairperson Associate Justice Estela Perlas- Bernabe na pinag-aralan niya ang bBar exams coverage at inalis ang mga obsolete topic at inorganisa ito batay sa mga pangangailangan sa kasalukuyan.
Tiniyak din ni Bernabe na ang mga tanong sa 2019 Bar exams ay nasasaklaw ang iba’t- ibang topics at mayroong standard acceptable answers.
Aalisin din anya ang mga unfair trivia question at mga tanong na lumilito sa mga bar examinees.
Iminungkahi din ni Bernabe ang pagkakaroon ng two examiners per subject sa 2019 Bar exams para matugunan ang dumaraming bilang ng mga Bar examinees.
Suportado rin ni 2020 bar exams chairperson Associate Justice Marvic Leonen ang pagkakaroon ng pagbabago sa isinasagawang bar exams.
Panahon aniya para magpatupad ng reporma sa pagsusulit.
Ilan sa mga planong ipanukala ni Leonen ay ang pass or fail system at pag-computerized sa bar exams para maisagawa ito sa iba ibang lugar.
Nais din ni Leonen na i-upload sa website ng Supreme Court ang lahat ng bar exam questions at mga sagot sa nakaraang 40 taon.
Tiniyak ni Leonen ang 2020 Bar exams ay magiging very reasonable.
Tiwala naman si Leonen na susuportahan siya ng mga kapwa niya mahistrado sa mga panukala niyang pagbabago sa bar exams.
Ulat ni Moira Encina