Malakanyang, seryoso sa paggamit ng Dengvaxia anti-dengue vaccine
Ikinukonsidera ng Malakanyang na gamitin ang kontrobersiyal na dengvaxia anti dengue vaccine para makontrol ang patuloy na paglaganap ng degue sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang sinasabing problema sa dengvaxia vaccine ay doon lamang sa mga hindi pa nagkaka-dengue at wala naman sa nagka-dengue na.
Ayon kay Panelo titimbanging mabuti ng gobyerno ang sitwasyon para hindi na kumalat pa ang dengue lalo na sa mga nagkaroon na nito dahil dito epektibo ang Dengvaxia vaccine batay sa pahayag ng gumawa ng bakuna na Sanofi Pasteur.
Magugunitang si dating Health Secretary at ngayo’y Congresswoman Janet Garin ang nagmungkahi sa Duterte administration na gamitin ang Dengvaxia anti dengue vaccine.
Ulat ni Vic Somintac