Pagpapatuloy ng Voter’s registration, umarangkada na ngayong araw
Umarangkada na ang pagpapatuloy ng Voter’s registration simula ngayong araw.
Pero aminado si Comelec spokesperson James Jimenez na maaaring makaapekto ng malaki sa resulta ng Voter’s registration ang panawagan ng Pangulong Duterte na ipagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa May 2020.
Matatandang sa kaniyang State of the Nation address (SONA) ay umapila ang Pangulo sa KOngreso na magpasa ng bats para maipagpaliban ang halalang pang-barangay sa Mayo ng 2020 sa Oktubre ng 2022.
Layon aniya nitong mabigyan ng sapat na pagkaktaon ang mga opisyal na maipatupad ng husto ang kanilang mga proyekto lalu na at sasaglit pa lang naman silang nakakupo sa puwesto.
Aminado si Jimenez na kahit tuluy-tuloy ang kanilang paghahanda para sa halalan ay medyo bumagal rin sila sa ginagawang paghahanda habang naghihintay ng development kung matutuloy ba ang halalan o hinde.
Ang Voter’s registration ay tatagal hanggang Setyembre 30, 2019.
Magkakaroon rin ng special satellite registration ang Comelec para sa mga PWD o may kapansanan, Senior citizens, Indigenous peoples at mga bilanggo na hindi pa nahahatulan.
Ulat ni Madz Moratillo