Senador Gordon walang sama ng loob kahit inupakan at tinawag na pakialamero ni Pangulong Duterte
Hindi umano na-offend si Senador Richard Gordon at wala siyang sama ng loob kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sagot ito ni Gordon sa mga batikos at pang-iinsulto sa kanya ng Pangulo.
Sa kanyang talumpati sa ika-28 anibersaryo ng Bureau of Fire Protection (BFP) na isinagawa sa PICC sa Pasay City, paulit ulit na ininsulto ng Pangulo si Gordon at tinawag na pakialamero si Gordon matapos kwestyunin ang pagtatalaga ng mga military officials sa gabinete.
Ayon kay Gordon hindi naman siya balat sibuyas para sumama ang loob sa Pangulo at mataas pa rin aniya ang kaniyang respeto dito.
Nirerespeto rin aniya niya ang militar at pulisya bilang tagapagtanggol pero kailangan aniyang matiyak na hindi iiral ang militarisasyon sa gobyerno.
Nagpasalmat naman si Gordon na nag-aalala ang Pangulo sa kaniyang kalusugan gaya ng ginagawa niyang pag aalala sa kalusugan nito.
Statement Gordon:
“I also have great respect for the military and the Armed Forces because they are the protector of the people and the state. However, at the same time, we want to assure the public that we are not militarizing the government.”
Ulat ni Meanne Corvera