Cancelled flights patungong Hongkong, nadagdagan pa
Pinayuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga inbound at outbound passengers ng Hongkong flights na patuloy na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline companies kasunod flights cancellation dahil sa kaguluhang nangyayari sa nasabing bansa.
Batay sa pinakahuling ulat, sumali na sa mga public protest sa Hongkong ang mga aviation workers .
Ayon kay MIAA General Manger Ed Monreal, kinansela na ng Cathay Pacific siyam sa kanilang mga flights ngayong araw:
CX907 – HKG to MNL, CX906 (MNL-HKG); CX919 (HKG-MNL); CX918 (MNL-HKG); CX903 (HKG-MNL); CX902 (MNL-HKG); CX935 (HKG-MNL); CX934 (MNL-HKG); CX939 (HKG-MNL).
Kanselado na rin ang kanilang dalawang flights na nakatakda bukas, August 6, 2019…ang CX912 (MNL-HKG) at CX976 (MNL-HKG).
Apat na flights naman naman ang kinansela ng Philippine Airlines: PR306 (MNL-HKG); PR307 (HKLG-MNL); PR318 (MNL-HKG) at PR319 (HKG-MNL).
Para sa rebooking at refunding fees ay makipag-ugnayan na lamang sa PAL.
Habang ang Cebu Pacific naman ay nagkasenla rin ng kanilang 2 flights: 5J112 (MNL-HKG) at 5J113 (HKG-MNL).
Inabisugan rin ni Monreal ang publiko na i-check ang mga sumusunod na NAIA flight operations contact numbers:
NAIA Terminal 1 (8771109 loc. 765); NAIA Terminal 2 (8771109 loc 2880); NAIA Terminal 3 (877-7888 loc. 8144 and 8146). NAIA’s voice hotline (877-1111) and SMS hotlines (0917-8396242 and 0918-9186242) entertain calls 24 hours daily.
Inquiries may also be sent through MIAA’s official Facebook Page and Twitter account @MIAAGovPH .