Recruitment program ng PNP, bubusisiin ng Senado
Bubusiin ng Senado ang regular recruitment program ng Philippine National Police (PNP).
Batay ito sa Resolution No. 49 na inihain ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.
Ayon kay Recto, mula noong 2012, binigyan ng PNP ng budget para makapag-recruit ngmahigit 10,000 mga pulis.
Nais malaman ng Senador kung nagamit ba sa tama ang pondo at gaano na karami ang nadagdag sa Police force.
Kung pagbabatayan kasi aniya ang mga report, hindi pa umano nakakamit ang mithiin na magkaroon ng isang pulis para sa bawat 500 Filipino.
Sa ngayon, mahigit 192,000 ang mga pulis sa buong kapuluan kasama na ang mga nasa opisina at nasa National Headquarters.
Ulat ni Meanne Corvera