Malakanyang, dumistansya sa pagbawi ng Korte Suprema sa TRO sa SAF 44 trial
Hands off ang Malakanyang sa naging desisyon ng Korte Suprema na alisin na ang Temporary Restraining Order o TRO para maipagpatuloy ang paglilitis ng Sandiganbayan sa Mamasapano Mamasapano Massacre na ikinamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force o SAF 44 noong 2015.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo hindi nakikialam ang Malakanyang sa anumang aksyon ng Korte Suprema bilang paggalang sa inter-department courtesy.
Ayon kay Panelo bahala ang Office of the Ombudsman at Sandiganbayan kung papaano uusad ang kaso.
Pangunahing nasasakdal sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating PNP Chief Di Conchita Carpio Morales dahil sa operasyon ng PNP SAF laban sa internation terrorist na si Sulkifli Bin Hir alyas Marwan.
Ulat ni Vic Somintac