Listahan ng mga delegadong kasama sa China trip ni Pangulong Duterte hinihingi na ng Chinese government – ayon sa Malakanyang
Isinasapinal na ng Malakanyang ang listahan ng mga delegadong makakabilang sa nakatakdang working visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China na inaasahan sa huling linggo ng buwang ito.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, bahagi ito ng protocol na ipinatutupad ng bibisitahing bansa kaya’ kinukuha na nito ang bubuo sa delegasyon ng Philippine Government para sa ika- limang pagtungo ng Pangulong Duterte sa China.
Ayon kay Andanar wala pang itinerary para sa naka- schedule na China working visit ng Pangulo na inaasahang uungkatin ng ang arbitral court ruling sa West Philippine sea.
Inihayag ni Andanar na wait and see kung ano ang magiging reaksiyon ng China tungkol sa gagawing hakbang ni Pangulong Duterte na hinggil sa ipakikitang paninindigan ng Pilipinas na may kaugnayan sa territorial dispute sa China sa West Philippine sea.
Nauna ng sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Xao Zhinjua na hindidi kinikilala ng China ang arbitral ruling subalit hindi ito makakapigil kay Pangulong Duterte upang ungkatin ang isyu sa kanyang nakatakdang pagbisita sa China ngayong buwan.
Ulat ni Vic Somintac