Mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa Luzon, nasa mahigit 100 na
Stranded pa rin ngayon sa mga pantalan sa Luzon ang mahigit 100 pasahero dahil sa mga malalakas na hangin at pag-ulan.
Sa datos ng Philippine Coastguard (PCG), ang 106 na pasahero ay naghihintay pa rin na makabiyahe sa pantalan sa Batangas at Camarines Sur.
33 sa mga nasabing pasahero ay nasa Calatagan port habang 44 naman ang nasa Pasacao port.
14 na barko at 11 na motorbanca naman ang hindi pa pinapayagan ng PCG na pumalaot.
Paliwanag ng PCG, nais nilang matiyak na maganda na ang lagay ng panahon bago tuluyang pumalaot ang mga ito nang maiwasan ang panibagong trahedya gaya ng nangyari sa Iloilo.
Noong nakaraang linggo, 31 pasahero ang nasawi sa pagtaob ng 3 bangka sa Iloilo-Guimaras strait.
Ulat ni Meanne Corvera