DOJ pinagsusumite ang NBI ng inisyal na report sa imbestigasyon nito sa sinasabing mga dayuhang terorista sa Hilagang Luzon bago matapos ang Agosto
Binigyan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) hanggang ngayong buwan para magsumite ng inisyal na ulat nito ukol sa sinasabing mga dayuhang terorista na nakapasok sa bansa.
Una nang inatasan ni Guevarra ang NBI na beripikahin ang mga ulat na mayroong mga Isis-linked terror threat partikular sa Hilagang Luzon.
Ayon kay Guevarra, pangunahing prayoridad ng DOJ ang terorismo gaya ng iligal na droga dahil sa karahasan at malawakang takot na idinudulot nito sa publiko.
Sinabi ng kalihim na bibigyan niya ang NBI ng sapat na panahon para mavalidate at maneutralize ang banta ng terorismo.
Pero bago matapos ang Agosto ay hihingan ni Guevarra ang NBI ng initial report sa assessment nito.
Batay sa AFP, inaalam na nila ang mga ulat na may dalawang Sri Lankan national na nakapasok sa bansa at nagsasanay para sa pag-atake sa Luzon.
Sec. Guevarra:
“Terrorism, like illegal drugs, is topmost priority for the DOJ due to its violent nature and the widespread fear and anxiety that it brings to the general public. though i will give the NBI as much as time as is needed to validate, if not neutralize, this threat, i will direct the agency to submit an initial report before the end of this month.”
Ulat ni Moira Encina