FDA, inatasan ng Malakanyang na tutukan ang ulat na ginagawang tambakan ng pekeng gamot ang Pilipinas
Ipinauubaya ng Malakanyang sa Food and Drugs Administration o FDA ang pagtutok sa isyu na ginagawang tambakan ng mga pekeng gamot ang Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo nasa mandato ng FDA na habulin at sampahan ng kaso ang mga nasa likod ng pagpapapasok sa bansa ng mga pekeng gamot.
Ayon kay Panelo dapat na maghigpit ang FDA para hindi malalusot sa bansa ang mga pekeng gamot dahil malalagay sa peligro ang kalusugan ng publiko.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag dahil sa ulat na inilabas ng United Nations Office on Drugs and Crimes na itinuturing ang Pilipinas na hotspot sa mga bansa sa Southeast Asia na binabagsakan ng mga pekeng gamot na galing sa Pakistan, India at China.
Ulat ni Vic Somintac