Pangulong Duterte, tiwala pa rin kay PAO Chief Atty. Persida Acosta – Malakanyang
Kumpiyansa pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Public Attorneys Office o PAO Chief Atty Percida Acosta sa kabila na may kinalaharap itong graft case sa Office of the Ombudsman.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailangang patunayan ng mga nag-aakusa kay Atty. Acosta ang kanilang paratang ng katiwalian sa PAO Chief.
Ayon kay Panelo nasa desisyon ni Acosta kung magbibitiw o magbabakasyon sa tungkulin habang nakabinbin ang reklamo laban sa kanya sa Ombudsman.
Si Acosta ay inirereklamo ng katiwalian ng mga umano’y abogado ng PAO na hindi naman inilalantad ang kanilang pagkakakilanlan dahil sa isyu ng kontrobersiyal na dengvaxia anti dengue vaccine.
Ulat ni Vic Somintac