Mga namatay sa dengue sa Calabarzon, umabot na sa 88
Umabot na sa 88 katao ang namatay matapos tamaan ng dengue sa Calabarzon region.
Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, Department of Health Director sa Calarbarzon, patuloy pa ang pagtaas ng kaso ng dengue na umabot na sa mahigit 27,000 mula lamang Enero ngayong taon.
Katunayan nito lamang nakalipas na buwan o mula July 15 hanggang August 15 ngayong taon, umabot sa 11, 251 ang tinamaan ng dengue.
Pinakamataas rito ang Cavite na may 3, 886 cases, na sinundan ng Laguna na may 3, 010 cases.
Sumunod ang Batangas na may 1, 901 cases, Quezon 1, 336 at Rizal 1, 118 cases.
Patuloy aniya ang kanilang ginagawang pagmomonitor lalo na sa bayan ng Dasmariñas kung saan nakapagtala ng mas mataas na kaso.
Hindi naman pabor si Janairo na ibalik ang bakuna sa dengue o dengvaxia para mapigilan ang pagkalat ng dengue at maiwasan ang pagkamatay ng mga tinatamaan ng sakit.
Hindi rin ipinapayo ni Janairo ang paggamit ng insecticides kundi mas mabuting paraan pa rin ng pagtataboy ng lamok ang paglilinis ng bahay at kapaligiran.
Ulat ni Meanne Corvera