Nationwide clean up drive laban sa dengue inilunsad ng DOH sa Commonwealth QC
Pinanguhan ni Health secretary Francisco Duque III ang NCR wide dengue clean up drive sa ilalim ng programang Deng Get Out sa Barangay Commonwealth sa Quezon city.
Bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa dengue.
Isa ang NCR sa nakapagtala ng mataas na kaso ng dengue.
Nito lamang August 10 ngayong taon, umaabot sa 11,123 ang kaso ng dengue kung saan karamihan sa tinamaan ay mga batang lima hanggang siyam na taong gulang.
Sinuyod at sinira ng mga residente, barangay officials at mga kinatawan ng DOH, Deped at DOST ang mga maaring pamugaran ng lamok gaya mg balde, bote, basurahan at mga gulong kung saan madalas na naiimbakan ng tubig kapag umuulan.
Ulat ni Meanne Corvera