SOGIE Bill wala ng tyansang pumasa sa Senado
Wala nang tyansa na pumasa sa Senado ang panukalang Sexual orientation and Gender Identity and Expression Equality o SOGIE Bill.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto, naniniwala siyang walang makukuhang sapat na suporta ang panukala lalo na kung nakatuon lang sa Anti-discrimination bill para sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender community.
Iginiit ni Sotto na maraming tutol sa panukala dahil lalabagin nito ang umiiral na religious at academic freedom.
Nangangamba rin si Sotto na kapag inaprubahan ang Sogie bill hindi malayong mauwi ito sa same sex marriage na ayaw mangyari ng mga mambabatas.
Ulat ni Meanne Corvera