Pagkuwestiyon sa RA 10592 na posibleng maging daan sa paglaya ni convicted rapist murderer at dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez, dapat idulog sa Kongreso Sec. Salvador Panelo
Kongreso ang dapat magpaliwanag sa harap ng kaliwa’t kanang batikos hinggil sa nilalaman ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance Law na nakikitang daan para makalaya si convicted rapist murderer at dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Pahayag ito ni Presidential Chief legal Counsel at Presidential Spokesman Salvador Panelo sa gitna ng kritisismo kontra sa inaasahang paglaya ng convicted rapist at murderer na si Sanchez sa susunod na dalawang buwan.
Ayon kay Panelo sa kongreso nalikha ang naturang batas kaya’t anomang concern tungkol sa revised penal code ay dapat na idulog sa mga mambabatas.
Ma7y 27, 2013 ng lagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang Republic Act 10592 na nagbabawas ng 15 araw kada buwan sa kulungan ng isang bilango na nagpapakita ng good behavior.
Sa ngayon ay kabi-kabilang kuwetisyon ang bumabangon kung kuwalipikado ba si Sanchez na mapasama sa dapat mapalaya gayung kuwestiyonable aniya kung talagang nagpakita ba ito ng magandang pag-uugali sa kulungan gayung nasangkot din umano ito sa illegal drugs habang itoy nakakulong sa National Bilibid Prison.
Batay sa pahayag ng pamilya ng biktima ni Sanchez hanggang ngayon ay hindi pa nagbabayad ng danyos ang dating Mayor na itinakda ng hukuman matapos mahatulan ng seven counts of Reclusion Perpetua dahil sa panghahalay at pagpatay sa UP Los Baños student na si Eileen Sarmenta at kasintahan nitong si Allan Gomez.
Naniniwala si Panelo na ang hindi bagbabayad ni Sanchez ng damyos sa pamilya ng mga biktima ay paglabag sa kautusan ng hukuman na makakadagdag sa kanyang parusa.
Ulat ni Vic Somintac