Kolumistang si Ramon Tulfo, sinampahan ng mga reklamong Libel at Cyberlibel sa piskalya ni BIR Commissioner Caesar Dulay
Pinagharap ng patung-patong na reklamo ng libel at cyber libel si Special Envoy for Public Diplomacy to China at kolumnistang si Ramon Tulfo dahil sa serye ng umanoy malisyoso at mapanirang kolumn nito sa Manila Times laban sa BIR at sa mga opisyal nito.
Ang reklamo ay isinampa ni BIR Commissioner Caesar Dulay laban kay Tulfo sa Quezon City Prosecutors office.
Kasama rin sa kinasuhan ni Dulay sina Manila Times President at CEO Dante ang mga editors na sina Rene Bas, Blanca Mercado, Nerilyn Tenorio, Leena Chua, Arnold Belleza at Lynette Luna.
Nais din ni Dulay na magbayad ng 20 milyong pisong moral damages ang mga respondents na idodonate sa ang arko ng Pilipinas na grupo na nangangalaga sa mga mentally-handicapped children.
Iginiit ni Dulay sa reklamo nito na walang katotohanan at batayan ang isinulat ni Tulfo sa column nito na nagsasabing laganap ang kurapsyon sa BIR sa ilalim ng liderato ni Dulay at may itinatago ang komisyoner.
Hindi lang anya ipinalabas ni Tulfo na siya ay kurap at magnanakaw kundi kriminal dahil sa paratang na kumita siya ng bilyun-bilyong piso sa transaksyon sa Mighty cigarettes corporation at Del Monte Foods Corporation.
Bukod sa paglathala sa pahayagan, napublish din ang column ni Tulfo sa website at social media accounts ng Times.
Ipinost din anya sa Facebook account ni Tulfo ang column nito at maging ang umano’y recording ng illegal video conversation ng dalawang BIR officials na ginawang source sa artikulo nito.
Ayon kay Dulay, patunay lang ito na may malisya hindi lang sa parte ni Tulfo kundi maging ang publisher at editors ng pahayagan para siya ay siraan.
Ulat ni Moira Encina