Verbal agreement sa pagitan ng mga lider ng bansa, matagal nang kinikilala ng International Law – Senador Tolentino
Marami nang pruweba na kinikilala ng International Law ang “verbal agreements” sa pagitan ng mga lider ng bansa.
Ito ang naging pahayag ni Senador Francis Tolentino kasunod ng umano’y naging kasunduan “verbally” nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa usapin ng West Philippine sea.
Inihalimbawa ni Tolentino ang naging verbal agreement sa pagitan nina US President John F. Kennedy at Soviet leader Nikita Krushchev sa Cuban missile crisis.
Aniya, sa pamamagitan lang ng pag-uusap ng dalawang lider na walang lagdaang nangyari ay napigilan ang pagkakaroon ng World War 3.
Gayundin ang naging sigalot ng Denmark at Norway tungkol sa Oresund (or bridge tunnel pero sa pamamagitan lamang ng phone call ay nakasundo ang lider ng dalawang bansa.
Sa usapin ng verbal agreement ni Pangulong duterte at ni President Xi sa west philippine sea, ang Law of the Sea ang itinuturing na tratado nito at hindi na kailangang dumaan pa sa ratipikasyon ng Senado.
“HIndi lahat ng tratado ay nakapaloob sa isang kasunduang papel na nilalagdaan.Pag ang isang kasunduang verbal ay bunsod ng pagpapatupad ng isang malawakang mother treaty, ito ay isang executive agreement. At dahil executive agreement, hindi na kailangang dumaan sa ratification process ng Senado at hindi na rin kailangang i-convert sa isang paper treaty”.