Dengue outbreak sa Surigao del Norte, idineklara

Idineklara ang dengue outbreak sa Surigao del Norte kasunod ng paglobo ng bilang ng mga tinamaan ng nakamamatay na sakit ngayong Agosto.


Sa tala ng Provincial health office, mula January 1 hanggang August 14, umabot na sa 1,174 ang kaso ng dengue at dalawa na ang namatay.


Kumpara ito sa 384 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.
Pinakamataas ang bilang ng dengue patients sa Surigao city na may 359, sumunod ang Claver na may 102 cases; Placer-63. Gigaquit-61, San Francisco-55 ar Dapa-51 cases.


Dahil sa deklarasyon ng outbreak, sinabi ni Governor Francisco Matugas na magagamit na ang calamity fund ng probinsya para sa kampanya kontra dengue.


Inatasan din ni Matugas ang lahat ng pampublikong pagamutan sa lalawigan na palawigin pa ang libreng serbisyo at pagtulong sa mga dengue patients.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *