Presyo at suplay ng baboy, tiniyak na stable hanggang Enero ng susunod na taon
Nagpasalamat si President Rosendo So ng Samahang Industriya ng magsasaka sa mabilis na aksyon ng Department of Agriculture kaugnay sa krisis na kinakaharap ng mga Hog raisers dahil sa sakit na tumama sa kanilang mga alagang baboy.
Ayon kay So, may ipapalabas ang DA na update bulletin at measure upang maprotektahan ang industriya ng magba-baboy at malaman ng mga nasa industriya ang kanilang gagawin.
Kabilang din aniya dito ang mga quarantine measures na dapat gawin ng bawat lokal na pamahalaan upang mabawasan ang pagkalat pa ng sakit ng mga baboy.
Dahil dito, nanawagan si So sa mga backyard raisers na iwasang ipakain sa mga alagang baboy ang mga tira-tirang pagkain na mula sa mga restaurant o tira-tirang mga imported na karne o canned goods dahil maaaring ito ay kontaminado at magdulot ng iba’t-ibang sakit sa mga baboy.
Tiniyak naman ni So na normal pa rin ang presyo ngayon ng baboy sa pamilihan at hindi gaanong gagalaw ang oresyuhan hanggang Disyembre.
“Normal price ang nakikita natin, yung presyo ng up to December eh, hindi masyadong gagalaw. Mas stabilize kasi ang presyo ng mga baboy nitong mga nakaraang buwan at yung suplay naman ay maa-assure natin na wala tayong problema up to December hanggang January”.