Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tinabla si dating Judge Harriet Demetriou sa hamong magbitiw sa tungkulin dahil sa isyu kay convicted rapist murderer at dating Calauan Laguna mayor Antonio Sanchez
Walang balak si Presidential Spokesman at Presidential Legal Counsel Chief Salvador Panelo na patulan ang hamon ni dating Judge Harriett Demetriou na magbitiw sa puwesto matapos ang mga alegasyon na may kinalaman siya sa paglaya sana ni convicted rapist at murderer at dating Calauan Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Ayon kay Panelo nakalulungkot na inilabas ni Demetriou ang kanyang mga opinyon base sa sa mga espekulasyon. Una rito sinabi ni Demetriou na imposibleng walang alam si Panelo sa napipintong paglaya ng kanyang dating kliyente lalot Presidential Legal Counsel siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Panelo nang konsultahin siya ng Pangulo agad niyang sinabi na base sa nakasaad sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance Law hindi kwalipikado si Sanchez sa Good Conduct and time Allowance dahil heinous crime o karumal dumal na krimen ang kinasasnagkkutan ni Sanchez. Si Sanchez ang nangrape at nag utos na patayin si Eileen Sarmenta at Allan Gomez sa Calauan Laguna noong 1993.
Inihayag ni Panelo wala siyang kinalaman sa pagre-release o pagpapalaya sa mga kwalipikadong blanggo. Iginiit ni Panelo na nasa hurisdiksyon ng Department of Justice at Bureau of Correction ang usapin kay Sanchez.
Ulat ni Vic Somintac