Chinese fishing boat na umako ng responsibilidad sa banggaan sa Recto Bank, dapat pagbayarin – ayon sa mga Senador
Inoobliga ng mga Senador mula sa oposisyon ang may-ari ng Chinese Vessel na magbayad sa mga mangingisdang Pinoy na binangga sa Recto bank.
Kasunod ito ng paghingi ng sorry ng may-ari ng Chinese fishing vessel at pag-ako ng responsilibidad sa nangyaring banggaan.
Pero ayon kay Senate minority leader Franklin Drilon, hindi sapat ang sorry.
Kailangan pa rin aniya ang kompensasyon para sa mga mangingisda na naapektuhan ng insidente.
Iginiit rin ni Senador Francis Pangilinan na hindi lang actual damages ang dapat na bayaran kundi ang pagkalugi at income na nawala sa mga mangingisda dahil sa pagkakawala ng kanilang hanapbuhay.
Nauna nang tinanggihan ni Foreign Affairs secretary Teddy Locsin ang paghingi ng sorry at iginit na kailangan pa ring bayaran ang mga mangingisda na biktima ng insidente.
Ulat ni Meanne Corvera