Chinese government nag-sorry na rin sa Recto Bank incident pero sa pamamagitan ng ‘Diplomatic Channels’ ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Santa Romana
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to China Chito Santa Romana na nagpaabot na ng paumanhin ang gobyerno ng China kaugnay sa naganap na banggaan ng Chinese fishing vessel at bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank.
Sinabi ni Ambassador Santa Romana idinaan ang apology ng mga Chinese officials sa diplomatic channel at hindi sa pamamagitan ng formal letter.
Ayon kay Santa Romana maituturing na “breakthrough” ang paghingi ng paumanhin ng may-ari ng Chinese fishing vessel dahil nalinawan ang ilang mga isyu. Inihayag ni Sta Romana hindi maitatanggi na nagkaroon ng negatibong epekto sa bilateral relations ng Pilipinas at China ang insidente habang nakasama rin ito sa imahe ng China sa international community.
Niliwanag ni Santa Romana na nalukulangan siya sa apology ng Chinese boat owner dahil dapat daw sa mga nabanggang mangingisdang Pilipino direktang ipinaabot ang paghingi ng paumanhin imbes na sa Department of Foreign Affairs o DFA.
Ang insidente ng pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga pinoy sa Recto bank ay umani ng matinding pagbatikos mula sa mga kritiko ni Pangulong Duterte.
Ulat ni Vic Somintac