State of the art museum ng Iglesia ni Cristo, binuksan na sa publiko
Binuksan na sa publiko ang limang papalag na State of the Art museum ng Iglesia ni Cristo sa Central Avenue sa Quezon City.
Isa ito sa mga itinuturing na “Centennial Projects” at pinakamalaking pribadong museo sa buong Pilipinas.
Ang inagurasyon ay pinangunahan ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo.
Makikita sa museyo ang iba’t ibang historical memorabilia at artifacts na magpapaalala sa kasaysayan kung paano nagsimula ang Iglesia ni Cristo at mabilis na paglaganap nito sa buong mundo.
Naka-display sa museum ang ibat-ibang parangal at pagkilala na tinanggap ng INC dahil sa naging ambag nito sa lipunan kabilang na ang Aid for Humanity sa mga biktima ng bagyong Yolanda at Africa.
Makikita rin sa museyo ang mga miniature at mga life-sized dioramas at ang mga importanteng pangyayari sa Iglesia ni Cristo, mga Biblia at iba pang kagamitan ng Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw na si Kapatid na Felix Y. Manalo.
Kasama sa nakadisplay rito ang portrait ni Kapatid na Felix Manalo, Kapatid na Eraño Manalo at kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan na si Kapatid na Eduaro V. Manalo na ginawa ng artist na si Romulo Galicano.
Ang museum ay idinisenyo naman ng Philippine National Artist for Architecture na si Francisco Bobby Mañosa.
Sa pagbubukas ng museum, dumalo ang mga kilalang opisyal ng gobyerno tulad nila Senate President Vicente Sotto III, iba pang mga Senador, Kongresista, local government officials at iba ang kilalang personalidad sa lipunan.
Senador Sotto:
“Sa akin kasi ang lakas ng dating kasi napanood ko yung buhay ni Ka Felix Manalo kaya talaga naradaman ko pag-ikot. Napakagandang na-preserve isang museum hindi basta relihiyon ng Iglesia pati na rin ang history sapagkat nakapaloob sa history ng Pilipinas ang pagkakatag ng Iglesia”.
Senador Sherwin Gatchalian:
“Ang pinakamahalaga rito yung pamana na ibibigay natin sa ating mga kabataan para malaman kung paano nabuhay ang Iglesia ni Cristo at ano yung mga pinagdaanan. Natutunan ko 150 countries nationwide tuwing nagtatayo dala-dala nito ang pangalan ng ating bansa”.
Senador Manny Pacquaio:
“Siguro ito yung isa sa pinakamasayang pag -ikot ko sa museum dahil nandon yung picture ko kasali ako eh. Nakapreserve lahat ng pictures mga alaala hanggang sa kasalukuyan”.
San Juan city Mayor Francis Zamora:
“Ang San Juan ay bahagi ng malalim na kasaysayan ng Iglesia ni Cristo sapagkat si Ka Felix Manalo ay doon nakalibing malaking bagay na may museo tulad nito matututo tayo tungkol sa kasaysayan”.
Nagpapasalamat naman si Quezon city Mayor Joy Belmonte na sa Quezon City itinayo ang museum dahil isa ito sa mga maaaring maging tourist destination.
Mayor Joy Belmonte:
“I am ecstatic, I am a museologist by profession nung simula pa lang programa 100 suporta. I feel this one of the greatest assets that city has today promoted to the general public”.
Kahit mga senior citizens at mga persons with disabilities ay maaring pumasok sa museum dahil mayroon itong walkalator at elevator.
Bukas ang museum kahit sa mga hindi miyembro ng INC.
Senador Juan Miguel Zubiri:
“This is one of the best private museums na nakita ko ang laki laki 4.6 hecatare I’m so amazed congratulations talaga sa Iglesia ni Cristo for the museum makita ang historty nakaka-impress”.
Ulat ni Meanne Corvera