Election protest ni dating Pasig city mayor Robert Eusebio laban kay Mayor Vico Sotto, ibinasura ng Comelec
Ibinasura ng Comelec 2nd division ang election protest na inihain ni dating Pasig Mayor Robert Eusebio laban sa nanalong si Mayor Vico Sotto.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, unanimous ang naging desisyon ng Comelec 2nd division sa pagbasura sa election protest ni Eusebio.
Ayon sa Poll body, bigo ang kampo ni Eusebio na magbigay ng detalyadong impormasyon na magpapakita ng umanong dayaan, anomalya o iregularidad aa mga inirereklamo nitong presinto.
Nakasaad pa sa desisyon ng Comelec 2nd division na self serving at on- sided ang mga sinumpaang salaysay ng mga supporter at poll watcher na isinumite ni Eusebio bilang ebidensya ng sinasabi nitong dayaan umano.
Ulat ni Madelyn Moratillo